STAND-UP COMEDIENNE JELEEN CUBILLAS SHRUGS OFF NEGATIVE REACTIONS TO HER "TYRANNOSAURUS REX JR." AND MOIRA-JASON JOKES

"Very blasphemous and politically incorrect."

"Double kill sa hell."

"Repent while there is time before it’s too late…"

Komento ang mga iyan kay Jeleen Cubillas kaugnay sa "Tyrannosaurus Rex Jr." comedy routine niya na nag-segue sa paghihiwalay ng born-again Christian couple na sina Moira de la Torre at Jason Marvin Hernandez.

"Ginawa ko silang cover photo sa Facebook," natatawang sambit ng 31-anyos na si Jeleen patungkol sa mga parunggit sa kanya.

Na-interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang viral comedienne nitong Mayo 24, 2023, Miyerkules, sa La Collina bar, Brgy. Poblacion, Makati City.

Ano ang pakiramdam niya kapag sinasabihan siyang ganoon, as if susunugin ang kaluluwa niya sa impiyerno?

Napakunot-noo nang slight si Jeleen, "Parang ano rin, ahhm… Father, forgive them, for they do not know what they are doing! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Iyong video clip (4 minutes and 25 seconds) ng stand-up showcase ni Jeleen na pinost ni Red Ollero noong Mayo 17, Miyerkules, sa Facebook at mahigit 1.4M views na.

JELEEN'S BRAND OF COMEDY

Sabi-sabi, para maging mataba o malikot ang isip ng isang komedyante, kailangang marami siyang paghuhugutan.

Sapat ba o sakto, sobra-sobra-sobra o labis-labis ang karanasan niya sa buhay upang makalkal at madalirot niya ang ganoong pagpapatawa?

Napahagikgik muli si Jeleen, "Siguro ano… nature lang din — among comedians, ha — parang nature lang din namin na malikot ang isip namin…

"Iyong nature ng comedian, parang nilalaro yung experiences mo, pina-process mo siya. Tapos hahanap ka ng nakakatawang angle, ganun.

"So, ahhmm, I think lahat ng tao, maraming experiences. Everyone has a story to tell.

"Ang mga comedians lang, meron silang… ahhmm parang coping mechanism nila yung to find humor, to find levity kahit na yung mga mahihirap na experiences, ganun."

Trabaho lang?!

"Parang isa sa mga discipline sa mga comedians is come up with self-deprecating jokes," pagsisiwalat ni Jeleen.

"So, kung magdyu-joke ka sa ibang tao, dapat alam mo rin kung paano mag-joke sa sarili mo.

"Actually yung pinaka-self-deprecating joke ko is parang… maaga akong nabuntis.

"Twenty-three ako noon. Hindi pa ako settled nung time na yun. Hindi pa ako ready."

POLIICAL JOKES

Hindi ba siya natatakot sa political jokes niya, partikular doon sa "Tyrannosaurus Rex Jr."? Baka maging mitsa pa iyon ng kanyang buhay…

Napabuntong-hininga si Jeleen, "Sa akin naman kasi, yung joke na yun, ahhmm hindi siya yung parang nag-rant lang ako against sa government.

"At the end of the day, yung goal ng show is to elicit laughter by coming up with a surprising or witty punchline.

"So, hindi siya yung parang nag-criticize lang ako tapos wala naman akong basis.

"Siguro pag ganun yung ginawa ko, yun yung masama, di ba? Pero yung sa akin, it’s just something na… yung ginagawa sa mga late night shows sa U.S., ganun.

"Yung parang hanap sila ng funny angle. Kasi sabi nga nila, parang ang best type of humor is yung nagpa-punch up, kumbaga.

"Kasi when we make light of people in power, nare-realize natin — hindi sila sacred.

"We can criticize them. They’re also people. So they’re fair game para gawing material sa jokes."

NOT FOR MAINSTREAM RADIO AND TV

Sang-ayon si Jeleen na ang ganoong materyal ay hindi pa puwede sa mainstream radio and TV sa Pilipinas.

Kailan kaya magiging handa ang Filipino audience upang i-embrace ang ganoong humor? Sa ngayon kasi, marami pang napipikon agad-agad sa ganoong klase ng entertainment.

"Oo, madaming mapipikon, pero parang so far, madami ring positive response," pagmamatuwid ni Jeleen.

"So, parang meron ding appetite for it. May demand din siya. Kailangan lang ma-tap.

"Siguro hahanap ka lang ng medyo ano pa… siguro super-late night na timeslot or something na yung maliit na audience lang muna.

"Hindi siguro sa mainstream radio or television. Siguro podcast or something online, YouTube channel, ganyan.

"Pero meron at merong makikinig ng ganyan, e."

FOR PASSION OR FOR MONEY?

Pinagkakakitaan na ba niya nang husto ang pagiging stand-up comedienne? Or is it more of a passion for her?

Natawa muli si Jeleen, "Sa ngayon po, more on passion pa lang. Pero normal naman yun, kasi two years pa lang ako. Relatively, bago pa lang talaga ako.

"Sina Red, they’ve been doing this for mga 15 years na talaga. Sila yung mga pioneers. So, sila yung mga may one hour or more nang worth of killer jokes.

"Ako sa ngayon, nasa 15 minutes pa lang ako. So, bago pa lang ako and merong konting kita pero hindi yung tipong mapag-aaral ko yung anak ko.

"So, nagwe-web developer pa rin po ako, ganun."

COMEDY MANILA

Kabilang si Jeleen sa grupong Comedy Manila, na merong 40+ stand-up comedians. Sapul sa kanyang brand of humor ang politics, religion, and sex.

Ano pang subject ang gusto niyang i-tackle? Body shaming halimbawa? O may kani-kanyang toka na sila sa Comedy Manila?

"Medyo may kani-kanyang toka pero parang you’re to write about it naman as long as feeling mo relevant siya sa yo," saad ni Jeleen.

"Sabi nga ng mga veterans, ‘Huwag mong ikahon ang sarili mo,’ ganun. Kung may maisip ka, as long as nakakatawa yan, i-perform mo siya.

"Huwag mong isipin yung branding na, ‘Oh, ako, political comedian ako!’ Kasi actually, ang political jokes ko… yun lang!

"Ha! Ha! Ha! Ha! Yun pa rin lang talaga ang political joke ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Tapos feeling ng ibang tao, political comedian na ako.

"Hindi. So, tapos ahh may mga jokes ako about parenting, ganyan. About sex, yun. So, halu-halo talaga.

"Huwag mong ikahon yung sarili mo pero… lalabas at lalabas yan, e. Na parang yung mga tao, pag nakita ka nila na parang, ‘Ay! Ganito ang style niya!’"

Napipikon ba siya, lalo pa’t may mga kritisismo o pambabato ng "putik" kanya?

"Sa amin, sa mga comedians, parang ang rule — as comedians, dapat hindi tayo pikon talaga," tugon ni Jeleen.

"Actually, nag-ano kami, meron kaming tinatawag na Roast Battle, yung parang mag-aasaran kayo in joke format, ganun.

"Para siyang fliptop pero hindi rap. It’s writing jokes, insulting each other, parang ganun. So, ginawa namin yun.

"What I discovered from that is parang… I’m stronger than I thought I was, ganun. Kasi akala ko nun, hindi ko kakayanin.

"Akala ko, maiiyak ako sa stage, e. Pero nung ginawa na namin, parang… ‘Hmph, fun pala ito, huh?!’ Ganun," sabi pa ni Jeleen, na nakapag-develop na ng thick skin.

2023-05-26T04:06:02Z dg43tfdfdgfd