GUESTING NINA KIRAY CELIS AT PAULINE MENDOZA SA FAST TALK, TINALBUGAN ANG RATINGS KINA MATTEO GUIDICELLI, JOSHUA GARCIA

GORGY RULA

Noong Biyernes, March 26, 2023, ay inabangan ang pagpasok ng bagyong si Betty sa Philippine Srea of responsibility (PAR) kaya siguro hindi na lumabas ang karamihan ng mga tao, at nanood na lang sila sa TV.

Posibleng inabangan nila ang latest update sa super typhoon kaya nakatutok sila sa telebisyon.

May kataasan ang viewership nung Biyernes, kaya pati ang guesting nina Kiray Celis at Pauline Mendoza sa Fast Talk With Boy Abunda ay tinalbugan pa ang rating ng guesting nina Matteo Guidicelli, Joshua Garcia, at iba pang big stars na nakapanayam ni Kuya Boy Abunda.

Ang bongga ng guesting nina Kiray at Pauline nung araw na yun, naka-5.7%!

Read: Kiray Celis proudly declares: "Mukhang pera ang mama ko."

Consistent na mataas pa rin ang rating ng Eat Bulaga! na naka-7.2%, at 2.8% naman ang katapat nitong It’s Showtime.

Sumunod ang mga afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap, 10.8%; AraBella, 9.5%; The Seed of Love, 7.4%.

Ang Thai action-drama na Game of Outlaws ay naka-3.7%, at ang Family Feud ay naka-9.4%.

Sa primetime naman nung Friday: 13.9% ang 24 Oras at 4.2% naman ang TV Patrol. Ang Frontline naman sa TV5 ay 2.8%.

Sumunod ang Voltes V: Legacy na naka-13.1%, at 12.1% naman ang FPJ's Batang Quiapo.

Ang Hearts on Ice ay 8.7%; 7.2% naman ang Iron Heart.

Ang Bubble Gang ay 4.8%; at 4.4% ang Dirty Linen.

Ngayong Lunes, Mayo 29, ay maglalaro sa sikat na game show ni Dingdong Dantes ang cast ng Unbreak My Heart na pangungunahan ni Joshua Garcia.

Talagang kinarir daw ng dalawang teams ang paghula sa surveys.

Ang team ni Joshua ay "Unbreakable," kasama sina Will Ashley, Bianca de Vera, at Jeremiah Lisbo.

Makakalaban nila ang "Team Heart" nina Nikki Valdez, Maey Bautista, PJ Endrinal, at Mark Rivera.

PHOTO: GMA Network

(From left) Will Ashley, Bianca de Vera, Jeremiah Lisbo, and Joshua Garcia

JERRY OLEA

Noong Sabado, Mayo 27, ay nagsimula ang bagong Kapuso sitcom, ang Open 24/7 nina Vic Sotto at Maja Salvador. Sa oras na yun ay okay naman ang rating na 8.3%.

Narito ang notable ratings ng iba pang programa nung Sabado ng gabi:

24 Oras Weekend, 10.9%; TV Patrol, 2%

Amazing Earth, 11.1%

Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, 13%; The Voice Kids na Awit ng Kabataan, 4.5%.

Ang Magpakailanman, tampok ang kuwento ng Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo, ay naka-12.7%.

Pagkatapos ng Open 24/7 ay I-Witness, na naka-4%.

Napapanood na rin ang old movies na ipinalalabas sa ALLTV. Dati ay walang rating ang mga ito, laging zero. Ngayon ay nakaka-0.1% na hanggang sa 0.2%. Mas pinapanood talaga ang mga lumang pelikula.

Samantala, ipinagmamalaki ng ABS-CBN na ang kanilang primetime shows ay nagtala ng mahigit 642M total views sa Kapamilya Online Live mula Pebrero hanggang Abril 2023.

Para sa buwan ng Abril, nakakuha ng pinagsama-samang 194M views ang FPJ’s Batang Quiapo, The Iron Heart, at Dirty Linen sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, kung saan meron itong 36M Facebook followers at 43.7M YouTube subscribers.

Mas madali at hindi mabibitin ang mga manonood sa pagsubaybay nila ng mga paborito nilang palabas dahil extended na ng 14 days ang on-demand streaming ng latest episodes ng ilang ABS-CBN shows tulad ng FPJ’s Batang Quiapo at The Iron Heart.

Mapapanood din ng hanggang 14 araw ang iba pang Kapamilya shows tulad ng Magandang Buhay, It’s Showtime, I Can See Your Voice, The Voice Kids, at ASAP Natin ‘To.

NOEL FERRER

Mukhang inabangan naman ang finals ng The Clash na napanalunan ng taga-Caloocan na si Rex Baculfo. Nag-trending pa ito nung gabing yun, at mataas naman ang rating nito na 14.1%.

Bahagyang tumaas din ang ibang programa ng GMA-7, kagaya ng All Out Sundays kung saan nag-promote doon sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia. Naka-5.2% ang AOS, at 3% naman ang best-of-the-best ng ASAP Natin ‘To.

Sumunod ang GMA Blockbusters na 4.6%, at The Atom na 3%.

Samantala, ang FPJ Da King ay 4.3%. Ang Regal Studio Presents ay 3.6%, at pagkatapos nito ang Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso na 4.3%.

Pagdating sa primetime, naka-5.9% ang 24 Oras Weekend. Replay episode ang Daig Kayo ng Lola Ko, pero mataas na rin itong naka-7%, at ang TV Patrol ay 2.8%.

Ang Happy ToGetHer naman ay naka-9.1%, at 4% naman ang katapat nitong Awit ng Kabataan.

Ang katapat naman ng The Clash ay I Can See Your Voice na naka-4%.

Paano kaya ang Binibining Pilipinas, kumusta ito sa late night slot?

In fairness, ito pa ring pageant na ito ang pinaka-polished at maayos ang staging sa lahat ng local pageants na may coverage.

2023-05-29T12:07:21Z dg43tfdfdgfd